-- Advertisements --

Ikinaaalarma na ng Philippine National Police (PNP) ang tuloy-tuloy na pagbebenta ng mga sangol sa pamamagitan ng social media.

Ito ay sa kabila ng malawakang kamapaniya upang tuluyang mapigilan ang naturang kalakaran.

Lumalabas sa monitoring ng PNP Women and Children Protection Center (WCPC) na patuloy na nangyayari ang bentahan kung saan ilang sangol ang nailigtas sa ilang serye ng anti-trafficking operations nitong unang lingo ng pebrero.

Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nakababahala ang pagdami rin ng mga Pilipinong tumatangkilik dito, kapalit ng pera. Ang ibang sangol aniya ay ibinebenta na lamang sa halagang P10,000 bawat isa.

Binabantayan ng PNP ang pagpasok dito ng international drug syndicate na pinaniniwalaang nangunguna rin sa human trafficking operations sa Pilipinas. Ito ay kaiba pa sa local groups na una nang namonitor dito sa bansa.

Ayon pa kay Nartatez, pinagana na rin ang ilang special units ng PNP upang tumulong sa paglansag sa mga naturang grupo.