Dalawang security guard at tatlong iba pa ang nasawi matapos magpakawala ng limang missile ang mga rebeldeng Houthi sa presidential palace complex sa timog na lungsod ng Aden sa Yemen nitong Huwebes.
Ligtas naman at walang natamong sugat ang prime minister at mga miyembro ng gabinete ng Yemen na kasalukuyang berada sa loob ng Maashiq presidential palace noong mangyari ang naturang pag-atake, ayon kay Information Minister Moammar al-Eryani.
Ayon naman sa tagapagsalita ng militar ng Houthi na si Yahya Saree, ang insidente ay bahagi ng kanilang pormal na patakaran na sadyang targetin ang mga saudi military build-ups saan man ang mga ito matagpuan.
Inihayag ng Houthi-run Saba news agency na ang kanilang binomba ay ang headquarters ng military operations ng mga opisyal ng Saudi Arabia kasama angimbakan ng mga sandata sa loob ng complex.
Narinig ng ilang mga saksi ang napakalakas na pagsabog sa paligid ng palasyo habang patuloy na binabantayan ng mga awtoridad ang seguridad sa buong rehiyon matapos ang naturang pag-atake.













