Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na iniimbestigahan na ang driver na sangkot sa aksidente sa LRT-1 Fernando Poe Jr. station matapos tumalon ang isang 23-anyos na estudyante, na ikinamatay nito.
Sa isang panayam sinabi ng pulisya na inihahanda na nila ang mga dokumento para sa inquest laban sa driver na kilala sa alyas na “Albert” na maaaring kasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide. .
Kung mapatunayan, maaring makulong ang suspek ng dalawa hanggang anim na taon ayon sa Article 365 ng Revised Penal Code.
Sa pahayag ng Quezon City Police District, sinabi ng mga saksi na nakita nilang bumagsak sa lupa ang biktima bago mabangga ng MG5 Sedan ni Albert sa EDSA.
Agad na idineklara ng mga awtoridad na patay ang biktima habang si Albert ay dinala sa kustodiya ng QCPD para sa karagdagang imbestigasyon.















