-- Advertisements --

Ibinahagi ni Cardinal Luis Antonio Tagle ang kanyang mga karanasan sa kamakailang Papal Conclave.

‘The conclave teaches us, our families, parishes, dioceses, and nations that communion of minds and hearts is possible if we worship the true God,’ ani Tagle.

Sa isang panayam sa Vatican News, sinabi ni Tagle na ang kanyang pananaw ukol kay Pope Leo XIV at sa yumaong si Pope Francis.

Nakaupo siya katabi ni Cardinal Robert Francis Prevost sa Sistine Chapel nang maabot ang 2/3 majority vote para kay Pope Leo XIV.

Ipinahayag ni Tagle ang paghanga sa bagong Papa, na may malalim na kakayahan sa pakikinig at maingat na pagpapasya.

Bilang isa sa mga cardinal na dumaan sa dalawang conclave, sinabi ni Tagle na may malaking pagkakaiba ang karanasan ng 2025 conclave mula sa 2013, kung saan buhay pa si Pope Benedict XVI.

Inilahad niya na ang conclave ay isang liturgical na kaganapan ng pagdarasal at paglilinis ng motibo, na naglalayong sumunod sa kalooban ng Diyos.

Itinuturing ni Tagle na ang kultural at misyonaryong karanasan ni Pope Leo XIV ay magbibigay ng bagong perspektibo sa kanyang papacy, at magpapalakas ng ugnayan sa mga mananampalataya sa buong mundo.

‘He is intellectually and culturally well-prepared, but without showing off. In his relationships, Pope Leo brings a calm warmth, shaped by prayer and missionary experience,’ pagpapahayag pa ni Tagle.

Sa kanyang personal na karanasan bilang “papabile,” inamin ni Tagle na mahirap tanggapin ang atensyon at spotlight, kaya’t nagsikap siyang manatiling tapat sa kanyang misyon at intensyon para sa kabutihan ng Simbahahang Katolika.

Pinuri ni Tagle ang kanyang legacy ng pagiging tunay na makatao, na hindi lamang umabot sa mga Katoliko kundi pati na rin sa mga hindi Kristiyano.