Itinakda sa Setyembre 7 ang canonization ng tinaguriang unang millenial saint na si Carlo Acutis.
Inanunsiyo ni Pope Leo XIV ang nasabing canonization ni Acutis kung saan ito ang magiging kauna-unahang pag-canonize ng Santo Papa sa kaniyang pag-upo.
Noong Abril 27 sana ito isinagawa subalit ito ay ipinagpaliban dahil sa pagpanaw ni Pope Francis.
Namatay si Acutis sa edad na 15 sa Northern Italy noong 2006 dahil sa leukemia.
Noong ito ay nabubuhay pa ay mahilig siya sa hiking, video games at pagbibiro sa mga kaibigan.
Nagturo siya ng katekismo sa mga lokal na parokya at nagsagawa rin ng pagtulong sa mga homeless.
Dahil sa kaniyang galing sa computer ay lumikha siya ng online exhibit tungkol sa mahigit 100 na eucharistic miracles na kinikilala ng simbahan ng ilang siglo.
Naging isang pilgrimiage site ang kaniyang libingan noong 2025 kung saan nakalagay ito sa salamin na kabaong at nakasuot lamang siya ng maongna pantalon, sweatshirt at sneakers.
Makakasabay nito sa canonization si Italian Catholic, Pier Giorgio Frassati, na pumanaw sa edad na 24 matapos na dapuan ng polio.