-- Advertisements --

Posibleng bumisita sa Ukraine si Pope Francis.

Sinabi nito na pinag-uusapan na ng mga opisyal ng Vatican ang posibilidad ng nasabing pagbisita sa Kyiv.

Sa unang pagkakataon din ay binatikos ng Santo Papa si Russian President Vladimir Putin dahil sa pag-atake nito sa Ukraine.

Sa kaniyang talumpati habang ito ay nasa Malta, tinawag nito ang Russian president bilang “potentate,” isang lider na nagpapasimuno ng hindi pagkakaunawaan para sa nationalist interests.

Hindi rin maitago ng Santo Papa ang kalungkutan sa patuloy na labanan sa Ukraine kung saan maraming mga sibilyan na ang nasawi.