-- Advertisements --

Isinantabi na muna ng Kataastaasang Hukuman ang mga natanggap na ‘Motion for Reconsideration’ hinggil sa Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Kung saan hindi muna inaksyunan ng Korte Suprema ang naturang mosyon upang iparekunsidera ang nauna nitong desisyon.

Ito mismo ang kinumpirma at inihayag ni Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Sue Mae Ting na aniya’y bagama’t isinama ito sa agenda ng naganap na En Banc session ng Korte Suprema, walang aksyon ginawa hinggil rito.

“Yes. The matter was included in the agenda, but no action was taken,” ani Atty. Camille Sue Mae Ting, tagapagsalita ng Korte Suprema.

Maaalalang naghain ng ‘Motion for Reconsideration’ ang House of Representatives at ilang mga grupo upang baguhin ang naging desisyon hinggil sa impeachment.

Kung saan hiling sa mosyon na mabaliktad ang pagkakadeklara ng ‘articles of impeachment’ bilang ‘unconstitutional’.