-- Advertisements --

Iniulat ng Bureau of Corrections (BuCor) nitong Huwebes, Enero 1, 2026 na nabawasan ng 69 porsiyento ang siksikan sa mga bilangguan sa Pilipinas.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., mula sa 356% na congestion, bumaba ito sa 287% dahil sa pagpapalaya sa 10,000 preso noong 2025.

Binanggit din ni Catapang ang malawakang paglilipat ng halos 14,000 bilanggo sa New Bilibid Prison, na ngayo’y mas maayos at hindi na gaanong siksikan.

Sa unang tatlong taon ng administrasyong Marcos Jr., halos 18,000 persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya matapos makumpleto ang kanilang sentensya, 5,000 ang nakatanggap ng parole, at 4,000 ang napatunayang walang sala.

Iniulat pa ni Catapang na nais nilang magbubukas ng “Supermax” facility sa Occidental Mindoro na may kabuuang pondo na P6 billion mula 2026 hanggang 2028.

Bukod dito magtatayo rin ng corrections academy sa Tanay, Rizal, upang maitaas ang antas ng professionalism at kaalaman ng mga kawani nito.