-- Advertisements --

Binatikos ni Parañaque Rep. Brian Raymund Yamsuan ang P6.793-trilyong 2026 General Appropriations Act (GAA) na nagtaas sa daily food allowance ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula ₱70 hanggang ₱100, bilang bahagi ng “humane treatment” para sa mga preso.

Kasabay ng pagkain, tumaas din ang medicine allowance ng PDLs mula ₱15 hanggang ₱20 kada araw. Ayon kay Yamsuan, miyembro ng Bicameral Conference Committee sa budget, ito ay unang pagtaas mula 2019.

Bagama’t limitado ang pondo para sa gamot at rehabilitasyon ng mga kulungan, sinabi ni Yamsuan na patuloy nilang itutulak ang mas makataong kondisyon para sa mga PDL, na mahalaga sa kanilang rehabilitasyon.

Tinukoy rin niya na ang budget para sa 2026 ay naka-base sa mas mababang bilang ng 141,843 PDLs sa BJMP jails, kumpara sa 182,556 noong 2025, kaya mahalaga ang decongestion upang masulit ang bagong daily allowance.

Ayon sa BJMP, bumaba nang kaunti ang congestion rate mula 296% noong Mayo 2025 hanggang 286% noong Setyembre 2025, at nasa 115,065 ang bilang ng mga preso sa ilalim ng kanilang pangangasiwa. (report by Bombo Jai)