-- Advertisements --

Nakabawi ang China mula sa 11 puntos na diperensya upang talunin ang Chinese Taipei sa iskor na 100-93, sa FIBA World Cup Asian Qualifiers na ginanap dito sa Pilipinas.

Ito na ang ikalawang sunod na Panalo ng China sa second window matapos ding talunin ang Japan, at umangat sa 2-2 standing, habang bumagsak naman sa 1-3 ang Chinese Taipei.

Pinangunahan ni Zhu Junlong ang koponan ng China sa 19 puntos, habang nagdagdag si Hu Jinqiu ng 15 puntos at 6 na rebounds. Nagtala rin ng 13 puntos si Zhao Jiewei.

Habang nasayang naman ang 26 puntos ni Ray Chen at 19 puntos at 11 rebounds ni Brandon Gilbeck.

Sa laro nagkaroon ng 11 puntos na abante ang Chinese Taipei sa third quarter, ngunit unti-unting nakahabol ang China at naitabla ang laro sa 91-all matapos maipasok ni Zhao Jiewei ang isang crucial 3-pointer shot sa huling tatlong minuto ng laro.

Sa huli, dalawang free-throws ang nagbigay ng lamang sa China bago tuluyang maselyuhan ang panalo sa charity line.