-- Advertisements --

Mariing itinanggi ni Vice President Sara Duterte na may personal na relasyon siya kay Ramil Madriaga.

Si Madriaga ay una nang nagsabi sa pamamagitan ng kaniyang abogadong si Atty. Raymond Palad, na dati siyang bagman at aide ng bise presidente at kasalukuyang nakakulong sa Camp Bagong Diwa.

Ayon sa statement ng pangalawang pangulo, hindi niya binisita si Madriaga sa kulungan at walang koneksyon sa mga alegasyong ibinabato laban sa kanya.

Si Madriaga ay nagsumite ng affidavit sa Ombudsman na naglalaman ng akusasyon hinggil sa umano’y anomalya sa paggamit ng pondo.

Dahil dito, nanawagan ang ilang sektor na magsagawa ng masusing imbestigasyon upang malinawan ang publiko.

Sa kabila ng kontrobersya, iginiit ng Bise Presidente na walang katotohanan ang mga paratang at patuloy siyang maglilingkod sa bayan na nagluklok sa kaniya sa pwesto.