Naitala ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pinakamataas na bilang ng mga pasahero sa kasaysayan nito matapos umabot sa 4.96 milyong biyahero ang dumaan sa paliparan noong Enero 2026.
Nalampasan nito ang dating rekord na 4.86 milyong pasahero noong Disyembre 2025.
Ayon sa pamunuaan ng paliparaan dulot umano ito ng malakas na holiday travel season, kung saan umabot sa halos 2.6 milyong pasahero ang nagsipagbiyahe mula Disyembre 20, 2025 hanggang Enero 4, 2026.
Ang Enero 4 ang naitalang pinaka-busy na araw, na may mahigit 180,000 pasahero.
Sa kabilang banda umabot naman sa 2.42 milyong international passengers ang naitala noong Enero 2026, mas mataas ng 8.16% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Samantala, iniulat din ng NAIA na ang domestic passenger traffic nito ay nagtala ng 2.54 milyong pasahero na tumaas ng 3.16% year-on-year.
















