Nanawagan ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga local government units (LGU) na bumuo at paganahin ang local clusters na siyang mangunguna na tutugon sa mga biktima ng kalamidad.
Ayon sa DILG, na mas mahalaga ang pagkakaroon ng kahandaan para sa nalalapit ng panahon ng bagyo kung saan ang dapat ay paganahin na ang management of dead and missing persons (MDM).
Bilang namumuno ng national at regional MDM cluster, binigyang halaga nito nang malinaw na koordinasyon sa mga LGU, national agencies at mabilis na pagresponde para magkaroon ng maayos na proseso, tamang documentations at may dignidad sa paghawak ng mga disaster casualties.
Sa ilalim din ng Memorandum Circular 2026-003 , na ang mga LGU at partner agencies ay inaatasan na magsagawa at iaktivate ang mga local MDM clusters sa sinasakupan nilang lugar.
Una na rito ay ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagpapalakas ng kahandaan ng mga local disaster para matiyak ang organisadong pagresponde sa panahon ng sakuna.
















