-- Advertisements --

Target ngayon ng Bureau of Fire Protection na pabibilisin ang kanilang pagresponde sa mga kaso ng sunog ngayong bagong taon.

Ayon sa BFP, ipapatupad nila ang agarang pagresponde ng kanilang mga fire truck sa mga insidente ng sunog sa loob lamang ng limang minuto lalo na sa mga lugar na matao at may mataas na populasyon.

Ayon kay BFP Spokesperson Anthony Arroyo, ang apoy ay dumodoble sa laki nito halos kada 30 segundo.

Dahil dito, ang isang sunog na nagsimula sa isang silid ay maaaring kumalat at tuluyang lamunin ang buong bahay sa loob lamang ng maikling panahon na lima hanggang 10 minuto.

Ito ay isang ambisyosong layunin na nangangailangan ng malaking pagsisikap at dedikasyon mula sa buong organisasyon.

Dagdag pa ni Arroyo, isa sa mga pangunahing prayoridad ng BFP ay ang mabilis na pagresponde sa mga sunog na nagaganap sa mga matataong lugar.