-- Advertisements --

Dalawang katao ang nasawi sa naganap na malakas na pagsabog sa lungsod ng Dagupan, Lalawigan ng Pangasinan.

Nagsimula ang pagsabog dakong ala-7:49 ng gabi nitong Disyembre 25 sa Sitio Boquig, Barangay Bacayao Norte.

Agad na nirespondehan ng mga otoridad kung saan dalawang katao rin ang sugatan na dinala ang mga ito sa pagamutan.

Umabot ng mahigit isang oras bago naapula ang sunog mula sa bahay kung saan naganap ang pagsabog.

Sa inisyal na imbestigasyon na galing umano ang pagsabog mula sa mga nakatagong paputok sa nasabing bahay.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pinakasanhi ng nasabing pagsabog.

Magugunitang noong nakaraang Oktubre ng naganap din ang pagsabog mula sa iligal na pagawaan ng paputok sa Barangay Tebeng ng nasabing lungsod.