Sinira ng Police Regional Office-6 (PRO-6) ang kabuuang 7,300 ilegal na mga paputok at pyrotechnic devices na nakumpiska sa buong Western Visayas.
Pinangunahan ito ni Police Col. Roland Bulalacao, deputy regional director for operations, nitong Sabado, Disyembre 27, kasama ang Bureau of Fire Protection (BFP).
Kasama sa mga winasak ang “boga,” kwitis, granada, dynamic big, kara, lolo thunder, at giant whistle bombs.
Aabot sa 7,336 na ipinagbabawal na paputok at 81 boga ang nasamsam ng PRO-6 sa buong rehiyon, kung saan ang mga ito ay nakuha mula sa iba’t ibang police unit tulad ng Regional Support Unit-6, Iloilo City Police Office, at iba pa.
Hinimok naman ni Police Brig. Gen. Josefino Ligan, PRO-6 regional director, ang publiko na ipagdiwang ang Bagong Taon nang ligtas at iwasan ang paggamit ng mga delikadong paputok.















