Umabot sa mahigit tatlong oras bago tuluyang maapula ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog sa residential area ng Barangay Pleasant Hills, Mandaluyong City.
Nagsimula ang sunog dakong alas-6:30 ng gabi nitong Biyernes, Disyembre 12 kung saan itinaas sa ikalimang alarma.
Nagkaroon na ng bayanihan ang mga residente para maapula ang apoy dahil sa mabilis na paglaki nito.
Nahirapan din ang BFP na apulahin ang sunog dahil sa masikip na mga daanan sa lugar.
Mayroong 85 na mga fire trucks mula sa BFP at mga fire volunteers ang rumesponde kasama rin angtatlogn ambulansya ng BFP at 10 volunteer ambulance.
Inilikas naman sa basketball court ang mga nasunugan na tinatayang mahigit 500 pamilya.
Patuloy din ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad kung ano ang sanhi ng nasabing sunog.
















