-- Advertisements --
Inihanda na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang kanilang mga pasilidad para Mindoro para sa mga sangkot sa anomalya sa flood control projects.
Ayon kay BuCor Director-General Gen. Gregorio Pio Catapang Jr na maaring dalhin nila sa Sablayan Prison and Penal Farm ang nasabing mga sangkot.
Tinataya kasing nasa 8,000 mga detainees ang inaasahan na maaresto na sangkot sa nasabing anomalya.
Ang nasabing bilang ay base sa komputasyon na mayroong 400 ghost projects at bawat proyekto ay mayroong 20 mga pumirma.
Pagtitiyak din ni Catapang na mayroon na silang itinatayong bagong pasilidad para magkasya ang mga ipapasok na sangkot sa anumang krimen.















