-- Advertisements --

Tinukoy ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na ang Bureau of Fire and Protection (BFP) ang pinaka-korap umano na ahensiya nito.

Ito ang isiniwalat ng kalihim sa isang panayam matapos umanong madiskubre ang mga katiwalian sa hanay ng BFP.

Aniya, may mga opisyal at personnel ng bureau ang ginagamit ang kanilang badge sa iligal na mga aktibidad, gaya na lamang sa pag-recruit ng mga bumbero kung saan sinisingil ng mga scalawags ang mga aplikante ng P500 bawat isa para makapasok sa bureau.

Gayundin, pinagkakakitaan umano ng BFP officers ang inspection fees at pagbebenta ng fire extinguishers.

Kaugnay nito, sinabi ni Sec. Remulla na natukoy na ang mga korap na opisyal ng BFP na aniya’y sisibakin simula sa Enero ng susunod na taon.

Samantala, wala pang inilalabas na tugon ang BFP kaugnay sa pahayag ng DILG chief.