Inisyuhan ng Office of the Ombudsman ngayong araw ang Department of Public Works and Highways upang atasan itong dalhin at i-presenta ang mga gadgets na ginamit ng pumanaw na dating opisyal nito na si Undersecretary Maria Catalina Cabral.
Ayon kay Assistant Ombudsman Mico F. Clavano, inilabas ngayong Lunes ang ‘subpoena duces tecum’ nag-uutos sa kagawaran na i-produce ang naturang mga gamit.
Aniya’y kung ito’y nai-turn over na, isasailalim ang mga gadgets o devices na inisyu kay Cabral sa malalimang pagsusuri forensic examination ng law enforcement agency.
Paliwanag ni Ombudsman Spokesperson Clavano, ito’y upang matukoy at madetermina kung ang data nakapaloob ay naalter, dinelete o di’ kaya’y tampered o namanipula na.
Kung kaya’t umaasa ang Office of the Ombudsman na susundin at kikilalanin ng Department of Public Works and Highways ang subpoena inisyu.
Layon anila rito ang interes na mapanagot ang mga sangkot sa flood control projects anomaly at mapaigting ang integridad ng nagpapatuloy na imbestigasyon.
Kasunod ang naturang hakbang matapos biglang pumanaw si former Public Works Undersecretary Cabral nang matagpuan patay sa Kennon Road, ng Tuba Benguet.
Magugunitang paliwanag ng Ombudsman ay nais anilang makita o malaman kung sinu-sino ang huling mga nakausap sa cellphone ni Cabral bago pa man ito tuluyang mamatay.
Panawagan naman ng Office of the Ombudsman sa sinuman may ‘access’ sa mga gadgets na gamit ni formeer Usec. Cabral na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan.
Pakiusap niya’y ipakita o isumite din sa kanila ang sinasabing kopya umano ng listahan na meron ang dating opisyal sa mga proponents ng mga poryektong may anomalya.










