-- Advertisements --

Pahirapan na apulahin ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang naganap na malaking sunog sa residential area ng Barangay Pleasant Hills sa Lungsod ng Mandaluyong.

Nagsimula ang sunog ng 6:30 ng gabi nitong Biyernes, Disyembre 12.

Itinaas na sa ikalimang alarma ang sunog at patuloy na inaapula ito ng BFP.

Naging pahirapan ang pagresponde ng mga BFP dahil sa makipot na kalsada at dami ng mga tao na nakahambalang.

Nagtulong-tulong na rin ang ilang residente para tuluyang maapula ang sunog.