-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Matagumpay na nailunsad ng Butuan City Central Fire Station sa Brgy. Obrero nitong lungsod ng Butuan ang Oplan Paalala: Iwas Paputok campaign kaninang umaga.
Dinaluhan ito hindi lamang ng mga kabataan kundi pati ng mga magulang, kasama ang mga opisyal ng barangay, at iba pang stakeholders na sumuporta sa kampanya upang maiwasan ang mga pinsalang maaaring idulot ng paggamit ng mga paputok, maiwasan ang sunog, at magkaroon ng masaya at ligtas na pagdiriwang at pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon kay acting Fire Marshal Ronald Vasquez, nakatuon ang kampanya sa kahalagahan ng ligtas na pagsalubong sa bagong taon sa pamamagitan ng paggamit ng mga torotot sa halip na mga paputok.
















