-- Advertisements --

Narekober ang apat pang labi nitong Martes, Pebrero 17, sa dive site kung saan lumubog ang MV Trisha Krestin 3 malapit sa Baluk-Baluk Island sa Basilan.

Kaugnay nito, umabot na sa 62 ang kabuuang bilang ng mga nasawi.

Ayon sa mga awtoridad, kabilang sa pinakahuling narekober ang dalawang lalaki at dalawang babae. Hindi pa inilalabas ang kanilang pagkakakilanlan habang isinasagawa ang beripikasyon at pakikipag-ugnayan sa kanilang mga pamilya.

Nauna nang nakarekober ng tatlong bangkay noong Pebrero 15 at isa pa noong Pebrero 16 mula sa parehong lugar, kung saan patuloy ang pagsisid at paghahalughog sa mga labi ng lumubog na barko.

Patuloy ang search-and-recovery operations sa pangunguna ng Philippine Coast Guard at Philippine Navy, katuwang ang mga lokal na pamahalaan at ilang boluntaryo, matapos lumubog ang barko sa karagatang sakop ng Basilan noong Enero 26., tinanggap ang alok ng PH Bar Association para sa debate kay Carpio kaugnay sa WPS
Loops: Sen. Rodante Marcoleta, Ex-Justice Antonio Carpio, Philippine Bar Association, Comm. Kay Tarriela, Atty. Jay Batongbacal, Kalayaan Island Group, WPS

Tinanggap ni Senador Rodante Marcoleta ang alok ng Philippine Bar Association (PBA) na mag-host ng debate sa pagitan niya at ni retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio kaugnay ng usapin ng West Philippine Sea (WPS).

Nauna nang tinanggap ni Carpio ang alok ng organisasyon, ngunit nais ng retiradong mahistrado na maging saklaw ng debate kung legal na umiiral ang WPS at kung bahagi nito ang KIG.

Sa panig ni Sen. Marcoleta, inilatag niya ang tatlong punto: una, ang tungkulin ng National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) at DFA na tukuyin at isumite ang hangganan ng Philippine EEZ bilang pagpapatupad ng arbitral award; ikalawa, ang pagwawasto sa mga mapa kaugnay ng KIG; at ikatlo, ang obligasyon ng estado sa ilalim ng UNCLOS na magsumite ng charts at abiso.

Naniniwala ang senador na sapat ang mga ito para sa isang makabuluhang debate.