-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Health-7 na umabot sa kabuuang 40 ang naitalang kaso ng fireworks-related injuries sa Central Visayas mula Disyembre 21 hanggang Disyembre 31 sa taong 2025.

Mayroon itong 18% na pagtaas kumpara sa parehong period noong 2024, na nakapagtala lamang ng 34 na kaso.

Pinakamataas na bilang ng mga kaso ang naitala sa Cebu Province na may 15 kaso, na sinundan ng Lapu-Lapu City na may 11 kaso.

Nakapagtala rin ng 8 kaso sa Bohol, 5 sa Cebu City, at 1 sa Mandaue City.

Karamihan sa mga nasugatan ay naapektuhan ng mga paputok gaya ng kwitis, whistle bomb, at lantaka.

Bukod dito, nakapagtala rin ang kagawaran ng 248 road crash injuries at 37 kaso ng chronic lifestyle-related diseases sa parehong panahon.