-- Advertisements --

Hindi umano paglabag sa soberanya ng Pilipinas ang tulong ng Chinese naval vessel sa isang Filipino fisherman sa Zambales. Ang search and rescue ay obligasyon ng lahat ng estado, at ang freedom of navigation ay mas pangunahing prinsipyo kaysa soberanya sa EEZ ayon sa mga eksperto sa international law.

Binanggit ng mga eksperto na may malinaw na pagkakaiba ang humanitarian operations at law enforcement sa dagat; tanging ang huli ang pag-eexercise ng soberanya.

Kasunod nito, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na simpleng “PR stunt” lamang ang nangyari. Ayon kay PCG spokesman Jay Tarriela, naganap ang insidente 71 nautical miles off Zambales sa West Philippine Sea. Ang Chinese PLA Navy destroyer ay nagbigay tulong kay fisherman Larry Tumalis, na nakahiwalay lamang 24 oras, sa pamamagitan ng isang bote ng tubig at tatlong packs ng biscuits, at walang koordinasyon sa PCG.

Matapos ang insidente, nakasama na ni Tumalis ang kanyang grupo at walang nangyaring harassment mula sa Chinese vessel. (Report by Bombo Jai)