-- Advertisements --
Naglabas ang Department of Industry (DTI) ng listahan ng mga paputok na dumaan sa quality standards na maaring bilihin ng publiko sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Ayon sa DTI na ang nasabing mga produkto ay mayroong DTI-Bureau of Philippine Standards’ (BPS) Philippine Standard Quality Mark.
Hinikayat ng ahensiya ang mga publiko na bumili lamang sa mga lisensiyadong gumagawa ng paputok.
Pinayuhan din ahensiya ang publiko na sundin ang tamang pagsindi ng mga paputok.
















