-- Advertisements --

Naniniwala ang ekonomistang si Diwa Guinigundo, dating deputy governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas, na patuloy na babagal ang paglago ng ekonomiya ngayong taon.

Giit niya, bumagsak ang kumpiyansa ng mga lokal at dayuhang mamumuhunan dahil sa malalang isyu ng korapsyon at pamamahala.

Mahirap umano itong maibalik hangga’t hindi natutugunan ng gobyerno ang problema sa katiwalian.

Batay sa datos ng Asian Development Bank, lumago ang ekonomiya ng bansa ng 5.6% noong 2024 at inaasahang tataas sa 6.0% sa 2025 at 6.1% sa 2026.

Samantala, mas konserbatibo ang pagtataya ng International Monetary Fund na 5.5% growth sa 2025 at 5.9% sa 2026.

Bagama’t nananatiling isa sa pinakamabilis lumago sa Southeast Asia ang Pilipinas, nananatiling hamon ang pagpapanumbalik ng tiwala ng mga mamumuhunan.

Kung hindi mareresolba ang korapsyon, maaaring hindi matupad ang optimistic forecast ng pandaigdigang institusyon.