Mahalaga ang boses ng mga taga- Visayas sa isinusulong na panukalang Anti-Political Dynasty Bill.
Ito ang binigyang-diin ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III.
Kahapon, isinagawa ng House of Representatives ang public consultation sa Cebu City.
Ayon kay Speaker Dy, inilapit ng Kamara ang usapan sa iba’t ibang rehiyon para marinig ang boses ng mas maraming Pilipino, hindi lang sa Metro Manila.
Ang public consultation sa Cebu ay kasunod ng naunang pagdinig sa Cavite at may susunod pa sa Mindanao.
Layunin nitong makuha ang opinyon ng publiko tungkol sa panukalang batas laban sa political dynasty.
Naniniwala si Speaker Dy
Siniguro ni Speaker Dy, mas magiging maayos at makatarungan ang batas kung pakikinggan ang mga taga-Luzon, Visayas at Mindanao.
Pagtiyak ng house leader, handang makinig ang Kamara para sa ikabubuti ng bansa.










