-- Advertisements --

Nakahanda ang Senado na agad mag-convene bilang isang impeachment court kapag natanggap na ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ay sa kabila ng naunang paglilinaw na ginawa ng Supreme Court ukol sa kahulgan ng salitang ‘forthwith’, na tumutukoy sa magiging aksyon ng Senado, oras na natanggap nito ang kopya ng kaso.

Ayon kay Sotto, bagaman tinutukoy ng kataas-taasang hukuman ang naturang salita bilang ‘reasonable amount of timeframe’, nananatili ang otoridad ng Senado na magtakda sa kung paano ito magsagawa ng impeachment trial.

Nanindigan ang Senate leader na hindi sinasaklaw ng naturang desisyon ang trabaho ng Senado, bilang co-equal branch.

Bagaman ikinukunsidera rin ni Sotto na tama ang decision ng SC, hindi aniya nito maaapektuhan kung paano gagalaw ang Senado.

Sa ngayon ay nagkakaroon na ng mga serye ng preparasyon sa Senado, kasama ang pag-uusap sa pagitan ng mga senador, kung saan isa sa mga inisyal na plano ay ang gawing transparent ang proceeding sa pamamagitan ng livestreaming. (

Kahapon nang magsagawa ng pulong ang ilang miyembro ng Senado na dinaluhan ng mga sumusunod:
Mga dumalo sa meeting ng majority bloc ng Senado:

Senate President Tito Sotto
SP Pro Tempore Lacson
Sen. Risa Hontiveros
Sen. JV Ejercito
Sen. Pia Cayetano
Sen. Robin Padilla
Sen. Camille Villar
Sen. Lito Lapid
Sen. Raffy Tulfo
Sen. Loren Legarda (report by Bombo Jai)