Umaasa si Senator Risa Hontiveros na isisiwalat ni dating Ako Bicol Representative Zaldy Co ang kaniyang mga nalalaman hinggil sa napakalaking flood control projects scam sa gobyerno sa pagbabalik nito sa Pilipanas
Sa eklusibong panayaman ng Bombo Radyo Philippines kay Hontiveros, tinawag niyang isang malaking pyesa ang magiging kooperasyon ng dating kongrisista, na sinasabing may malaki umanong partisipasyon sa nabunyag na katiwalian, sa binubuong serye ng mga ebidensya ng Senate Blue Ribbon Committee. Malaking tulong din aniya ito sa magiging pinal na report ng isinasagawang pagdinig at imbestigasyon ng komite.
Kaugnay nito, kumpyansa si Hontiveros na madagdagan pa ang pirma ng partial committee report ng Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson.
Umaasa si Hontiveros na ang pagkakadakip kay Co ay makakatulong na makahikayat sa kanilang mga kapwa senador na pumirma na sa paunang ulat ng komite upang ma ipresinta na ito sa Plenaryo ni Lacson at maibahagi na sa Publiko ang mga natuklasan ng pagdinig ng komite ukol sa umano’y mga anomalya sa proyektong flood control ng pamahalaan.
Sa kasalukuyan ay mayroon ng 6 na pirma ang naturang partial report at nangangailangan pa ito ng 3 pirma upang tuluyan nang tumungtung sa plenaryo ng senado kung saan ito pagdedebatihan ng mga senador, aamyendahan at pagtitibayin upang makatulong sa mas malalim ang imbesitgasyon ng senado at mga ahensya ng gobyerno.
Ngunit, Mataandaan na sinabi ni Lacson na pansamantala niyang ipagpapaliban ang pagdinig ng Blue Ribbon Committee hanggat hindi pa kompleto ang pirma ng paunang ulat ng komite.
Nauna na ring sinabi ni Senator Imee Marcos na kilalang kritiko ni Lacson sa pamumuno nito sa Blue Ribbon Committee, na hindi nila pipirmahan ni Senator Rodante Marcoleta ang naturang partial report dahil nakukulangan umano sila sa isinasagawang imbestigasyon ng komite.
Sa ngayon, plano ni Lacson na gumawa ng chairmans progress report at isusumite ito sa office of the ombudsman at department of justice na may kalakip na mga ebidensyang natuklasan sa mga pagdinig ng komite upang makatulong sa imbesitgasyong isinasagawa ng mga ahensya. Isa rin aniya itong paraan upang mabuksan muli ang pagdinig ng Blue Ribbon Committee kung saan mailalahad sa publiko ang mga nilalaman ng report.
Samantala, binabalak naman ni Lacson na imbitahan si dating Speaker Martin Romualdez sa oras na magbalik ang pagdinig Blue Ribbon Committee upang pagharapin sila ni Zaldy Co at 18 dating sundalo na umano’y ang deliver ng male-maletang pera sa ilang personalidad upang matukoy sa pagdinig kung sino ang nagsasabi ng katotohanan.
















