-- Advertisements --

Idineploy ng US Marine Corps ang Navy-Marine Expeditionary Ship Interdiction System (NMESIS) sa Balikatan Exercise 2026 sa Basxco, Batanes.

Ito ay isang makabagong land-based anti-ship missile system na nakibahagi sa “Maritime Key Terrain Security Operations” (MKTSO) upang palakasin ang kakayahan ng Pilipinas at US na depensahan ang mga estratehikong karagatan.

Ang mga NMESIS launcher ay dinala sa mga lugar sa Northern Luzon, kabilang ang Batanes Group of Islands, tulad ng Itbayat at Basco, na malapit sa Bashi Channel.

Ito ay kayang mag-target ng mga barko ng kalaban mula sa lupa, na nagbibigay ng mataas na antas ng sea denial sa mga strategic chokepoints

Ang sistema nito ay air-mobile, ibig sabihin, kaya itong isakay sa mga C-130 Hercules transport aircraft para sa mabilis na pag-deploy sa iba’t ibang isla.

Ang NMESIS ay nauna na ring dinala sa Pilipinas para sa mga nakaraang pagsasanay tulad ng Balikatan noong nakalipas na taon,