Binigyang diin ni Sen. Bam Aquino na dapat insantabi muna ang pulitika habang kinakaharap ng bansa ang isyu sa korapsyon, edukasyon at iba pa.
Naniniwala siyang hindi ito ang panahon para pag-usapan ang mga ganito lalo pa’t nakararanas sa iba’t ibang mga hamon ang mamamayan.
Nitong nakaraan lamang din kasi ay nabanggit ni Ombudsman Jesus Remulla na marami ang nais maging testigo sa kaso ng maanomalyang flood control dahil sa ang iniisip umano ay ang pamumulitika sa susunod na magiging takbo ng gobyerno.
Giit niya’y dapat munang resolbahin ang mga isyu kasabay ng pagsusulong maipasa bilang batas ang Classroom-Building Accelaration Act at Citizen Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability o CADENA Act.
Layon rito na atasan ang lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan na i-upload ang mga transaksyon, gastos at kontrata sa mga proyekto sa isang Digital Budget Platform.
Sa pamamagitan kasi ng naturang panukalang batas ay magiging bukas na sa publiko ang mga dokumento sa paggasta ng pondo.
Inaasahan na mapagtitibay rin ang ‘transaparency’ tugon at laban sa korapsyon sapagkat posible nang masubaybayan at mabantayan ng publiko.
















