-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr., ang pagbaba ng congestion rate sa mga piitan sa buong bansa .

Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor) bumaba ng 69% ang siksikan sa mga kulungan sa bansa, mula 356% ay nasa 287% na lamang ito ngayon.

Sinabi ni Catapang na malaki ang naging epekto ng 69 porsiyentong pagbaba ng congestion sa mga kulungan sa bansa, na nagbunsod sa pagpapalaya ng maraming persons deprived of liberty (PDLs).

Aniya, Noong 2025, umabot sa 10,000 PDLs ang pinalaya ng BuCor, na itinuring ni Catapang na record-breaking. 

Nakatulong din sa pagluwag ng mga pasilidad ang malawakang paglilipat ng halos 14,000 PDLs sa New Bilibid Prison.

ipinagmalaki ng BuCor chief ang matagumpay na pagbuwag sa mga ilegal na kubol at pagsamsam ng mga kontrabando sa loob ng mga kulungan, na aniya’y patunay ng mas pinaigting na disiplina at kaayusan sa mga pasilidad penitensiyaryo.

Ibinahagi din ni Catapang na sa unang tatlong taon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., halos 18,000 PDLs ang pinalaya matapos ang sentensiya, 5,000 ang nabigyan ng parole, at 4,000 ang naabsuwelto.

Inanunsyo rin ni Catapang ang pagtatayo ng Supermax prison sa Occidental Mindoro na may kabuuang pondong P6 bilyon mula 2026 hanggang 2028. 

Bukod dito, magbubukas din ang BuCor ng corrections academy sa Tanay, Rizal upang higit na mapahusay ang pagsasanay ng kanilang mga tauhan.