-- Advertisements --

Oras-oras ang misang isinasagawa ngayon sa simbahan ng Quiapo o ang Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno.

Kasabay ng tuloy-tuloy na pagdiriwang ng banal na misa ay ang pagdagsa sa pagdating ng mga deboto, mananampalatayang Katoliko.

Ngayong araw kasi ay ang siyang unang Biyernes sa bagong taon 2026, kung kaya’t marami at dagsa ang mga tao sa naturang simbahan.

Sinimulan ang oras-oras na misa kaninang alas-kwatro ng madaling araw na magpapatuloy naman hanggang mamayang alas-otso ng gabi.

Mayroong mga tauhan o lingkod simbahan ang siyang nangunguna sa pangangasiwa sa organisadong pagpasok at paglabas ng mga tao sa simbahan ng Quiapo.