Inaasahang magdadala ng pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang Northeast Monsoon o Amihan at ang easterlies ngayong unang araw ng Enero 2026.
Batay sa 24-oras na forecast ng state weather bureau, ang Amihan ay magdudulot ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may panaka-nakang mahinang ulan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon, bagamat wala namang inaasahang malaking epekto.
Samantala, ang easterlies ay magdadala ng maulap na panahon na may kalat-kalat na ulan at thunderstorms sa Visayas, Palawan, at Bicol Region, pati na rin ng panaka-nakang pag-ulan o pagkidlat-pagkulog sa Mindanao at Mimaropa.
Nagbabala naman ang weather bureau sa posibleng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa sa mga apektadong lugar.
Samantala, ang shear line ay magdadala ng kalat-kalat na ulan at thunderstorms sa Camarines Norte, Camarines Sur, at Catanduanes, na maaari ring magdulot ng flash floods at landslides.
















