Magpapatupad ng paghihigpit ang Department of Health (DOH) sa paglabas-masok sa mga ospital bilang hakbang kasunod ng napaulat na pagdukot sa mga sanggol.
Sa isang statement, inihayag ni Health Secretary Ted Herbosa na isa sa mga ipapatupad na paghihigpit ay ang pagsusuot ng ID ng mga nakasuot ng scrub suit kapag nasa loob ng pasilidad.
Pangalawa, hihigpitan din aniya ang paglabas ng mga bata sa emergency department at kailangang may papel.
Inanunsiyo rin ng kalihim na sisimulang ipatupad ang parehong protocols katulad ng ipinapatupad sa Texas, USA na “Amber Alert”, kapag may nawalang inpatient na bata o matatanda sa ospital.
Umaasa naman si Sec. Herbosa na maghihigpit din ng alerto ang iba pang mga ospital na private at LGU hospitals, dahil nangyayari rin aniya ang mga krimen sa mga ospital.
















