-- Advertisements --

Inaasahang magpapatupad ng roll back ang mga kompaniya ng langis sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa Department of Energy–Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB), posibleng bumaba ang presyo ng produktong batay sa tatlong araw na Mean of Platts Singapore (MOPS) trading.


Posibleng bumaba ang presyo ng produktong petrolyo ng humigit-kumulang:

  • Diesel: ng P0.15 kada litro
  • Gasoline: P0.50 kada litro
  • kerosene: P0.20 kada litro

Sinabi ng DOE-OIMB na ang inaasahang rollback ay dulot ng pagluwag ng geopolitical tensions, global oversupply ng langis, mahinang demand mula sa malalaking consumer tulad ng China, at mga polisiya ng OPEC+.

Ang opisyal na price adjustment ay karaniwang inaanunsyo ng mga oil company tuwing Lunes at ipinatutupad kinabukasan.