-- Advertisements --
Nakikilala na talaga ang angking galing ni Marcelito Pomoy matapos itong mag-perform para kay U.S. President Donald Trump sa New Year’s Eve party nito na ginanap sa Mar-a-Lago estate ng Pangulo sa Palm Beach noong Disyembre 31.
Sa Instagram post na ibinahagi ni Marcelito kita na kasama sina Trump at First Lady Melania Trump sa naturang event kung saan inawit ni Pomoy ang classic na kantang “The Prayer.”
Maaalalang sumikat si Marcelito sa Pilipinas matapos manalo sa ikalawang season ng Pilipinas Got Talent noong 2011.
Nakilala naman siya sa international stage noong 2018 nang lumabas siya sa The Ellen DeGeneres Show, at sumali rin sa America’s Got Talent: The Champions noong 2020.
















