-- Advertisements --

Aabot na sa 8,901 na mga iligal na online gambling sites ang naipasara ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).

Ayon kay CICC Deputy Executive Director Renato Paraiso, na asahan na ito ay madadagdagan pa lalo na at pinaigting nila ang kampanya laban sa online gambling.

Dagdag pa nito na kasama rin nilang binabantayan ang mga iligal na scam sites ganun din ang mga iligal na recruitment sites.

May mga ugnayan na rin sila sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno para tuluyang labanan agn nasabing iligal na mga online gambling.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay sinimulan na nilang sulatan ang mga social media influencers na nagsusulong ng mga iligal na online gambling.