-- Advertisements --

Inihayag ng Malacañang na nababahala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa posibleng epekto ng mga isinampang impeachment complaint laban sa kanya, hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kapakanan ng bansa at ng ekonomiya.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro na ang pagsasampa ng impeachment complaint laban sa Pangulo ay may malawak na implikasyon at maaaring makaapekto hindi lamang sa liderato kundi pati sa kalagayan ng ekonomiya ng bansa.

Binigyang-diin ni Casto, na nananatiling kumpiyansa ang Pangulo na wala siyang ginawang mali, walang nilabag na batas, at wala siyang nagawang impeachable offense, subalit ikinababahala niya ang maaaring maging epekto ng proseso sa tiwala ng publiko at sa takbo ng ekonomiya.

Nanindigan naman ang Palasyo na wala silang kinalaman sa pagsasampa ng dalawang  impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Castro nasa kamay na ng kongreso na busisiin  at pag desisyunan ang  mga kasong ito laban sa pangalawang Pangulo.

Sinabi ni Castro, halos wala rin namang bago sa isinampang dalawang kaso laban sa bise presidente, kung meron man aniya ay konte lamang.