Aabot sa Php274.926 billion ang pondo na inilaan ng gobyerno para mapondohan flood control projects ng gobyerno sa ilalim ng 2026 National Expenditure Program (NEP).
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman sa nasabing pondo, P272.33 billion dito mapupunta sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa kanilang Flood Management Program habang ang natitirang P2.593 billion ay mapupunta sa Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa kanilang Flood Control Program.
Ito ay para sa operasyon at pangangasiwa ng ibat ibang pumping stations sa National capital region.
Ang budget para sa MMDA ay upang pagbutihin ang flood control sa Metro Manila upang mabilis ang paghupa ng baha.
Sinabi ni Pangandaman ang nasabing mga proyekto ay inirekumenda ng dalawang ahensiya.
Binigyang-diin ni Pangandaman na batay sa kanilang isinagawang budget call, kanilang pinasisiguro sa DPWH at MMDA na dapat mayruong proper planning at feasibility study at tukuyin ang mga lugar na kanilang paglagyan ng mga proyekto.
Sa panig naman ni House Committee on Appropriations Chairman Rep. Mikaela Suansing, sa budget deliveration kanilang bubusisiin ang mga flood control projects at dapat ang bawat rehiyon ay may ipakitang overall flood control mitigation plan at siguraduhin na talagang nage-exist ang nasabing proyekto.