Pinirmahan na para tuluyang maging batas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang panukalang batas na agarang pagpapaliban ng 2025 Baragay at Sangguniang Kabataan Elections.
Nakasaad sa nasabing batas na imbes na sa Disyembre1, 2025 ay isasagawa na ang BSKE sa susunod na taon sa Nobyembre 2, 2026.
Sa Republic Act 12232 ay nakasaad din na mapapalawig din ang termino ng mga barangay officials at Sangguniang Kabataan na mula sa tatlong taon ay magiging apat na taon na.
Hanggang tatlong termino rin na magkakasunod lamang sa parehas na posisyon ang mga barangay opisyal at SK officials.
Nasa batas din na ang mga incumbent na barangay officials na nagsisilbi ng kanilang ikatlong magkasunod na termino ay hindi papayagang tumakbo pa parehas na posisyon sa darating na Nobyembre 2026 Barangay at SK Elections.
Inaatasan din ng batas ang Commission on Elections na maglabas ng implementing rules and regulations ukol sa batas sa loob ng 90 araw.