-- Advertisements --

Ipinagmalaki ngayon ng Land Transportation Office (LTO) na natapos na nila ang mga backlogs ng lahat ng mga plaka ng sasakyan mula 2014 hanggagn 2023.

Ayon kay LTO Executive Director Atty. Greg Pua, na sa unang taon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ay mayroong hanggagn 12 milyon na ang kanilang naipalabas na plaka.

Nilinaw din nito na mayroon silang sapat na suplay at nasa distribution process na lamang sila ngayon.

Isa sa mga nakitang dahilan dito ay ang paglalaan ng sapat na budget para madoble ang paggawa nila at matapos ang mga pending na plaka.

Para matiyak na makakarating ang plaka sa mga sasakyan ay naglunsad ang LTO ng “Stop, Plate and Go” kung saan ang mga motorsiklo ay pinapara kung saan agad nila itong biniberipika at binibigyan ng karampatang plaka.

Maari din na matignan ng mga motorista ang kanilang plaka sa pamamagitan ng LTO Tracker na makikita ito sa eGov App.

Target naman ng LTO na maipakalat ang nasa 7.5 milyon na plaka ng hanggang Oktubre 31, 2025.