-- Advertisements --

Pinagpapaliwanag at pinatawan ng preventive suspensions ng Land Transportation Office (LTO) ang tatlong accredited driving schools sa Tarlac dahil sa ilang mga paglabag.

Ayon sa LTO, na ilan sa mga paglabag ay ang pagbibigay ng certification of completion kahit na walang aktual na driving lectures o seminars para sa mga student drivers.

Dagdag pa nila na nagsagawa na sila ng imbestigasyon at kanilang napatunayan ang mga paglabag.

Pansamantalang suspendido ng 30-araw ang operasyon ng nasabing mga driving schools.

Una ng sinabi ng LTO na ang iregularidad sa edukasyon sa mga drivers ang siyang nagdudulot ng karamihang aksidente sa kalsada.