Nauwi na lamang sa video conference ang malalaking aktibidad sana ng ilang labor groups ngayong araw ng paggawa.
Naging maagap kasi ang mga otoridad sa mga pangunahing lugar na regular na pinagdarausan ng kilos protesta at naaresto ang nagsisimula ng rally.
Ayon sa panig ng PNP, hindi nila nais pigilan ang paglalabas ng saloobin ng mga militanteng grupo, pero ibig lamang nilang mailayo ang mga tao sa posibilidad na magkahawaan ng COVID-19.
Sinabi ni PNP spokesman B/Gen. Bernard Banac, malinaw sa Bayanihan Act na hindi pinapayagan ang anumang mass gathering habang hindi pa humuhupa ang pagkalat ng deadly virus.
Ang ilang nagpumilit magkilos protesta kaninang umaga sa Rodriguez, Rizal at lungsod ng Marikina ay hinuli dahil sa kanilang mga paglabag.
Dahil sa pangkalahatang mapayapa naman ang Labor Day events, pinasalamatan ng PNP ang nagdaos na lang ng online protest, sa halip na magprograma sa mga lansangan at iba pang lugar.
“Elsewhere across the country, many local labor and transport organizations totally abandoned earlier plans coordinated by militant umbrella organizations to stage public assemblies, and instead took their mass action to cyberspace via Zoom and Facebook platforms – safely and orderly without any risk to public health,” wika ni Banac.