Inirekumenda ng mga major party leaders sa House of Representatives na kanilang ibabalik ang 2026 National Expenditure Program (NEP) sa Department of Budget and Management (DBM).
Batay sa isinagawang pag rebyu ng House Leaders sa NEP kanilang nadiskubri ang seryoso at sistematikong anomalya sa 2026 NEP partikular sa DPWH, DILG, PNP at DA.
Ayon kay Deputy Speaker at Antipolo Representative Ronaldo Puno na hindi nila magawang simulan ang deliberasyon kung nababalot sa anomalya at mga kwestiyunableng budget allocations ang 2026 national budget.
Sinabi ni Puno kabilang sa kanilang mga natuklasan mga flood control projects with identical amounts, Double appropriations, Oversized lump sum nationwide allocations under DPWH, Reports of unsolicited proposals for billions worth of firearms sa ilalim ng DILG/ PNP,Reports of allocation for sale scheme sa budget ng DA para sa farm to market roads.
Nanawagan si Puno sa mga kapwa house members na itigil muna ang pagdalo sa mga budget deliberations habang hindi nareresolba ang isyu.