-- Advertisements --

Inanunsiyo ng bandang Radiohead na magsasagawa sila ng concert tours sa ilang lungsod sa Europa.

Ito ang unang pagkakataon na magsagawa ang banda ng mga tours matapos ang pitong taon.

Masasagawa ng apat na show ang banda sa O2 Arena sa London mula Nobyembre 21,22, 24 at 25.

Kasama rin sa listahan kung saan sila tutugtog sa Berlin, Bologna, Copenhagen at Madrid.

Huling nagsama-sama ang grupo noong 2018 kung saan inansiyo ng kanilang drummer na si Philip Selway na nagsama muli sila para magsagawa ng ensayo.

Ilan sa mga kantang pinasikat nila ay ang “Creep” ,”High and Dry” at maraming iba pa.