-- Advertisements --

Mariing itinanggi ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na hindi siya sangkot sa mga nadiskubring anomalya sa flood control projects.

Sa isang ambush interview dito sa Kamara binigyang-diin ni Bonoan na wala siyang kinalaman sa mga iregularidad sa ahensiya.

Ang dahilan ng kaniyang pagbibitiw ay para sa transparency at accountability kung saan kasalukuyang iniimbestigahan ang mga nadiskubring mga ghost at substandard na mga flood control projects.

Una ng inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na command responsibility ang dahilan ng pagbibitiw ni Bonoan.

Dumalo si Bonoan ngayong araw sa pagdinig ng House Infra Committee na nag-iimbestiga in aid of legislation sa mga maanomalyang infrastructure projects.

Nang tanungin si Bonoan kung may maituturo siyang mga sangkot dito, tugon ng dating kalihim ay wala na siya sa ahensiya.