-- Advertisements --

Pumanaw na si dating US Vice President Dick Cheney sa edad na 84.

Ayon sa asawa nitong si Lynne at mga anak na sina Liz at Mary na ang dahilan ng kamatayan ng dating Bise Presidente ay dahil sa kumplikasyon sa pneumonia, cardiac at vascular disease.

Siya ang pang-46th Vice President ng US noong panahon ni Republican President Geroge W. Bush sa dalawang termino mula 2001 hanggang 2009.

Naging matinding kritiko siya ni US President Donald Trump kung saan tinawag nitong duwag at isang malaking banta sa US.

Taong 2024 ng bumoto ito sa presidential election para sa Liberal Democrat at kapwa Vice President club na si Kamala Harris.

Naging Representatives ng Wyoming, chief of staff ng White House at defense Secretary si Cheney.

Makailang dinapuan ng cardiovascular disease at noong 2012 ay sumailalim na siya sa heart transplant.

Isinilang si Richard Bruce Cheney noong Enero 30, 1941 sa Lincoln, Nebraska nakilala niya ang highschol sweetheart at naging asawang si Lynne Vincent Chenney at ikinasal noong 1964.

Natanggap ito sa Yale University sa pamamagitan ng scholarship subalit nahirapan siya kaya ito ay na-kickout.

Bumalik ito sa pag-aaral at natapos niya ang bachelor’s at master’s in political science mula University of Wyoming.

Nagtrabaho siya sa isang power lines company kung saan dalawang beses din itong naaresto dahil sa pagmamaneho ng nakainom.