-- Advertisements --

Inanunsiyo ng mga lider ng European Union ang funding plan para sa ekonomiya at military ng Ukraine sa loob ng dalawang taon.

Ang nasabing package ay sa pamamagitan ng pagpapautang ng pera taliwas sa unang plano na ipahiram ang mga freeze assets ng Russia.

Ang nasabing pautan ay nagkakahalaga ng $105-bilyon o katumbas ng mahigit P5-trillion.

Dahil dito ay tila nabunutan ng tinik ang Ukraine dahil sa nagkukumahog na sila sa pondo kung saan kukunin ang mga armas na panlaban sa Russia.